Image From Google
This happened 4 years ago when i was 2nd year high school (i am 2nd year college now). Nag-aaral ako sa isang private Catholic School sa Caloocan City. Yung school namin, karugtong ng simbahan. Marami nang usap-usapan na maraming naninirahan na spirits doon sa school namin. matagal na kasi yung school. Itinayo yung school namin noon pang 1951. Panahon pa ng mga sundalo noon. Marami nang nagpakamatay sa school na yun. Kadalasan, yung mga nagbibigti.
May program noon sa school. Syempre, kailangan, lahat ng year level, magpeperform. Our advisers were all busy that day. Ma’am Senie (not her real name), is a very competitive teacher. She always want a perfect performance of her students.
One time, habang natataranta sya sa ginagawa nya, may nakita syang estudyante nya sa 4th year na papunta sa faculty room. Since, papunta naman yung estudyante na yun sa faculty room, inutusan nya na kunin yung karaoke for the practice of doxology at dalhin dun sa school auditorium. Hindi naman sumagot yung estudyante. Dire-diretsong naglakad yung estudyante papasok sa faculty room. So before pumasok si Ma’am Senie sa auditorium, kung saan hinihintay sya ng mga 4th year students nya, kinausap muna sya ng co-teacher nya. Mga 15 minutes daw yung pag-uusap na yun kasi nga busy ang lahat for the preparation of the upcoming school program.
After their 15 minutes conversation, Ma’am Senie decided to go inside the auditorium. Inexpect nya na all her sudents was there and all the materials for the practice was ready.
Inside the auditorium, tinanong nya yung estudyante nya na inutusan nyang kumuha ng karaoke, "Mr. *********, where’s the karaoke?". Nagtaka naman yung estudyante na yun tungkol sa sinasabi ni Ma’am. He was like,"Ma’am?". Then Ma’am Senie said, "diba inutusan kitang kunin mo yung karaoke sa faculty room? Sabi ko dalhin mo dito eh." And the student said, "ma’am hindi po ako lumabas ng audi, kanina pa po ako dito."
The other students was speechless that time same as Ma’am Senie. Ang naitanong nya na lang sa sarili nya is, "sino yung pumasok ng faculty room?"
Kumalat yung kwento na yun sa buong school. Yung ibang staff ng school, sanay na. Matagal na kasi yung ibang staff doon, marami na silang experiences sa school. Yung ibang staff naman, hindi na nag-tagal. (From Philippine Ghost Stories)
No comments:
Post a Comment