Saturday, July 12, 2014

Mama's Ghost

Image from Google


1st yr highschool ako nung tumira sa bahay ng tita ko, yung mama ko ay nakatira naman sa bahay ng lolo ko kasama ang nakababata kong kapatid na noon ay grade 1. nasa barrio sila samantalang ako ay nasa bayan, 45 mins to 1 hr ang layo kay minsan lng ako nakakauwi roon. isang gabi habang nagrereview ako sa kwarto ko,dahil kinabukasan ay 2nd grading exam namin.
 katabi ng study table ko ang bintana, kita mula roon ang lumang dam na mukhang swimming pool na halos isang talampakan lang ang laman na tubig. madilim sa gawing iyon ng bahay at walang ilaw tanging ang ilaw mula sa bahay ang nag sisilbing liwanag noon, bandang 12 ng gabi may nakita akong babaeng nakaputi na nag lalakad sa gilid ng pool hindi ko naman nakita ang mukha pero hindi ko alam kung bakit nasambit ko ang salitang mama..
Hindi ko nalang pinansin iyon at nag patuloy sa pag rereview, pero hindi parin nawala ang kaba ko hanngang kinabukasan. Ntapos na ang exam ko ng araw na iyon pag uwi ko ya niyaya ako ng tita ko na sumama sa kanya kasama mga pinsan ko. Di nila sinabi kung bakit pero nandun parin yung kaba ko at d mawala sa isip ko si mama. nung nakasakay na kami ng van na pag aari nila tita ko dun ako pumewesto sa likod, wala akong kasama dun dahil yung dalawa kong cousin ay nasa pangalawang upuan, mag aala sais na nun ng hapon, di ko parin alam kung bakit kami aalis, nang  makita ko ulit yung nakaputing babae sa tabi ko pero hindi siya nakaharap sa gawi ko nakatingin sya sa labas ng bintana..!! dun na ko sumigaw tinigil ng tita ko ang sasakyan at pinuntahan ako…mama lang ang lumalabas sa bibig ko hindi ko alam kung bakit. dun na nag salit ang tita ko..
“anak wala na ang mama mo kahapon pa ng umaga, di lang namin sayo sinabi dahil may exam’s ka ayaw namin masira concentration mo..”sabi ng tita ko.
dun na ko umiyak ng umiyak pero nag papasalamat parin ako dahil nag pakita sya sakin kahit sa huling pagkakataon. (From Philippine Ghost Stories)

No comments:

Post a Comment